Thursday, March 6, 2008

KATANUNGAN

Nandito ako sa kalaliman mg pagmumuni ko.
naglalaro ang aking isip at nangangaba ang puso.
nakikiramdam sa mga bunganga ng mga kaeskwela ko.
hawak at naghihintay ng mensahe sa electronic kong telepono.
pinagmamasdan ang dahon ng puno sa hardin ng eskwelahan.
iniisip ang mga pangyayari at nagahahanap ng mga kasagutan sa aking malabalong katanungan.
bakit? paano? ano? saan? kailan? mga panimula sa aking mga litanya na patungkol sayo.
ano ba talaga to?
nagseselos na ba ako?
bakit ganito?
paano kung di niya ako mahal?
saan na ba ako?
kailan ko ba sisimulan?
pagibig nga naman marami katanungan at konti ang kasagutan.
ayaw ko pero ito pa rin ay dumadating na parang hangin na di mo mapipigilan.
sana matututo na ang utak at puso nalilito.
talaga mahal na yata kita.


by: MAGINOONG