Thursday, July 30, 2009

basta


ang mundo ay napakagulo

pati ang damdamin ko ay magulo

hanggang kailan ba ako magiging magulo

saan at paano maaalis ang aking kaguluhan


biglang nagbago ang aking pananaw sa mundo

ito ay masaya at maganda

puno nang misteryo

kagalakan ko ay nabuhay


di ko maisip kung papaano

kung saan

kung kailan

at ano ang nangyari


basta mahal kita

mamaya

bukas

at magpakailan man




<<<<<<<<ANINO689>>>>>>>

Wednesday, July 22, 2009


sa mga nagdaang araw ako na papaisip....

hanggang saan ba ako papatungo.....

kailan ba dadaong sa isla ng kaligayahan.....

bakit ganito na lang ang nagiging katapusan.....

lagi na lang ako ninanakaw ng mga pighati....

lagi na lang ako natulala sa mga bagay na di maaabot....

lagi na lang ako napapagod mangarap....

pero sa isang iglap ikaw ay dumating....


inahon sa putik ng pagdaramdam....

binuhay ang pagasa....

lumipad na parang haring agila....

pero hanggang kailan ka mananatili para sa akin....


sana ikaw na nga............

yan ang aking dasal sa may kapal.......

pinapangarap......

at minamahal......







(((((((((ANINO)))))))

Tuesday, November 25, 2008

DAGAT NG DALAMHATI

ako'y nagiisa, nagmamasid
sa mga alon humahampas
sa mga bato sa pampang.
hinahagupit ng malakas
na hangin na may kasamang
tubig dagat.
pumapatak ang aking
mga luha sa aking pisngi
kasing sabay ng tubig dagat.
sumasabay sa akin
ang alon na
galit na galit sa bawat hampas.
nilalamon ang aking isip
ng karagatang tanglaw
ng karimlan.
hangang saan ba
ako maglalakbay para mahanap
ang aking pampang ng buhay.

Wednesday, October 1, 2008

bible at cellphone



(nakita ko lang siya sa isang announcement ng ka group ko sa friendster sa makrelate ka)



CELLPHONE laging hawak atipinapakita..


BIBLE laging nakatago at ayaw ipakita..



CELLPHONE binibili kahit libo-libonghalaga..


BIBLE ayaw bilhin kahitisang daan halaga..



CELLPHONE laging binabasa kung maymessage..


BIBLE hindi binabasa kayahindi makita ang message..



CELLPHONE ayaw magasgasan..


BIBLE oklng kahit maalikabukan..



CELLPHONE mahirap ipahiram bakamasira..


BIBLE madaling ipahiram kahitmawala..



CELLPHONE nauubusan ng message..


BIBLE laging full of message..


CELLPHONE ay mahalagang gamit..


BIBLEmas mahalaga kung gagamitin..


Lets make a change!!


god loves us!!


Ipapasa mo kaya 2 o itatago nalang..its up to u.. this is true...


let's show how GOD is very importantin our life


Tuesday, July 29, 2008

ANG PAGBABALIK


di ako matuto sa aking
pagmumunimun. iniisip
kung alin ang aking
isusulat sa aking
mahiwagang lathalain

di magkasundo ang
aking utak at puso
kung alin talaga ang
gagawin sa aking mga
mhiwagang panulat.

ito ang aking unang
pagsulat para sa
aking pagbabalik sa
mundo ng hiwaga ng
buhay ng manunulat.

napaka-hiwaga ng
buhy sa likod ni batman.
di ko matuto kung
alin talaga ang aking
gustong iparating sayo.

handa na ang aking
panulat at ang aking
mahiwagang papel para
sa aking pagbabalik.

kapit ka na muling magbabalik ang emotero ng blogspot..............................


.....................aka batman.....................

Tuesday, May 27, 2008

how to be a team:


a team is yung kilala mo yung taong kasama mo at alam mo yung mga pinagdaanan niya.
yan ang naranasan ko sa 2 days camp namin para sa isang team building.
ang haba ng biyahe mula sa amin hanggang batangas.
kulang 5 oras dahil nahuli kami sa pinagplanuhan.
ang ganda ng tanawin dito saan ka makakakita ng bahay na nakatayo na 1 meter lang ang layo
sa dagat at may aircon pa ang kwarto.
maliit lang siya para sa amin na mahigit 25 katao.
syempre hiwalay ang lalake sa babae para mapangalagaan ang puri ng maga boys.
ang babae eh sa aircon ang lalake sa baba ng bahay kung saan abot ang papag ng tubig kapag high tide.
nagsimula ang progarama sa grouping system kung saan dapat pangalagaan ng bawat isa ang kanilang kagrupo.
sabay na din ang pagbigay ng mga rules and regulation.
nagkaroon din ng tension dahil naglabas ng mga hinaing ang iba.
syempre nagsimula kami sa worship then pahinga ng kaunti.
ang kagrupo ko nun eh sila charlie , loubert , jun-jun at daryl.
then siga race nah....................................
may tatlong bahagi ang race.(sa aking pagtatanto)
1st: ang panata ng siga
nagbigay sila ng clue kung saan nakalagay ang mga bahagi ng panata.
consist of 11 panata un.
pagtapos mabuo eh dapat makabisado ng bawat isa ang panata
(kaya't nakabisado ko ang panata eh!!!!!!!!!!!!!)
2nd: ang profile bow
dito kailangan nyong makilala ang bawat isa sa pagkabisado ng profile nila.
kailangan nyo magkasundo sa sagot nyo.
(dito kami natagalan!! nandaya na lang kami ehhh!!!!!!! hehehehe!!!!!!!!!!!!)
3rd: ang mahiwagang timbangan
kailangan naming mahigitan ang timbang ng talong bible.
hay!!!!!! di namin to nagawa kc kulang kami sa gamit.
kahit nga yung ngaiisa naming babae eh maghuhubad pinigilan lang eh!!!!!!

Friday, May 2, 2008

ulan ng dalamhati!!!!


hirap ang puso kong magpanggap na ayos lang ako.
masakit sa akin ang iyong paglisan.
nagsisigaw ang aking damdamin sa iyong paglisan.
gusto kong kumawala sa kabaliwan kong ito.
ikaw ay lumisan di man ko napigilan.
lumayo ka sa aking piling ng walang nagawa.
bumitiw sa aking mga kamay at tumakbo sa kawalan.
nawala sa kawalan di ko na nakita.
naiwang nagiisa sa kadiliman ng gabi.
naghihinagpis ang damdamin.
nawawalan sa uliro ng pagiisip.
nagpapakalunod sa agos ng luha na namumutawi sa aking mga mata.
pati langit ay naghihinagpis.
nakikiramay sa abang iniwan.
luha ng dalamhati ay bumuhos.
sinabayan ng tubig mula sa langit.
ulan ng dalamhati ay nakiramay.
sa aking paghihinagpis pati kalangitan ay sumabay.
nagbasa sa aking katawan.
paalam paalam paalam.........
<<<<>>>>