Tuesday, May 27, 2008

how to be a team:


a team is yung kilala mo yung taong kasama mo at alam mo yung mga pinagdaanan niya.
yan ang naranasan ko sa 2 days camp namin para sa isang team building.
ang haba ng biyahe mula sa amin hanggang batangas.
kulang 5 oras dahil nahuli kami sa pinagplanuhan.
ang ganda ng tanawin dito saan ka makakakita ng bahay na nakatayo na 1 meter lang ang layo
sa dagat at may aircon pa ang kwarto.
maliit lang siya para sa amin na mahigit 25 katao.
syempre hiwalay ang lalake sa babae para mapangalagaan ang puri ng maga boys.
ang babae eh sa aircon ang lalake sa baba ng bahay kung saan abot ang papag ng tubig kapag high tide.
nagsimula ang progarama sa grouping system kung saan dapat pangalagaan ng bawat isa ang kanilang kagrupo.
sabay na din ang pagbigay ng mga rules and regulation.
nagkaroon din ng tension dahil naglabas ng mga hinaing ang iba.
syempre nagsimula kami sa worship then pahinga ng kaunti.
ang kagrupo ko nun eh sila charlie , loubert , jun-jun at daryl.
then siga race nah....................................
may tatlong bahagi ang race.(sa aking pagtatanto)
1st: ang panata ng siga
nagbigay sila ng clue kung saan nakalagay ang mga bahagi ng panata.
consist of 11 panata un.
pagtapos mabuo eh dapat makabisado ng bawat isa ang panata
(kaya't nakabisado ko ang panata eh!!!!!!!!!!!!!)
2nd: ang profile bow
dito kailangan nyong makilala ang bawat isa sa pagkabisado ng profile nila.
kailangan nyo magkasundo sa sagot nyo.
(dito kami natagalan!! nandaya na lang kami ehhh!!!!!!! hehehehe!!!!!!!!!!!!)
3rd: ang mahiwagang timbangan
kailangan naming mahigitan ang timbang ng talong bible.
hay!!!!!! di namin to nagawa kc kulang kami sa gamit.
kahit nga yung ngaiisa naming babae eh maghuhubad pinigilan lang eh!!!!!!

Friday, May 2, 2008

ulan ng dalamhati!!!!


hirap ang puso kong magpanggap na ayos lang ako.
masakit sa akin ang iyong paglisan.
nagsisigaw ang aking damdamin sa iyong paglisan.
gusto kong kumawala sa kabaliwan kong ito.
ikaw ay lumisan di man ko napigilan.
lumayo ka sa aking piling ng walang nagawa.
bumitiw sa aking mga kamay at tumakbo sa kawalan.
nawala sa kawalan di ko na nakita.
naiwang nagiisa sa kadiliman ng gabi.
naghihinagpis ang damdamin.
nawawalan sa uliro ng pagiisip.
nagpapakalunod sa agos ng luha na namumutawi sa aking mga mata.
pati langit ay naghihinagpis.
nakikiramay sa abang iniwan.
luha ng dalamhati ay bumuhos.
sinabayan ng tubig mula sa langit.
ulan ng dalamhati ay nakiramay.
sa aking paghihinagpis pati kalangitan ay sumabay.
nagbasa sa aking katawan.
paalam paalam paalam.........
<<<<>>>>