Thursday, July 30, 2009

basta


ang mundo ay napakagulo

pati ang damdamin ko ay magulo

hanggang kailan ba ako magiging magulo

saan at paano maaalis ang aking kaguluhan


biglang nagbago ang aking pananaw sa mundo

ito ay masaya at maganda

puno nang misteryo

kagalakan ko ay nabuhay


di ko maisip kung papaano

kung saan

kung kailan

at ano ang nangyari


basta mahal kita

mamaya

bukas

at magpakailan man




<<<<<<<<ANINO689>>>>>>>

Wednesday, July 22, 2009


sa mga nagdaang araw ako na papaisip....

hanggang saan ba ako papatungo.....

kailan ba dadaong sa isla ng kaligayahan.....

bakit ganito na lang ang nagiging katapusan.....

lagi na lang ako ninanakaw ng mga pighati....

lagi na lang ako natulala sa mga bagay na di maaabot....

lagi na lang ako napapagod mangarap....

pero sa isang iglap ikaw ay dumating....


inahon sa putik ng pagdaramdam....

binuhay ang pagasa....

lumipad na parang haring agila....

pero hanggang kailan ka mananatili para sa akin....


sana ikaw na nga............

yan ang aking dasal sa may kapal.......

pinapangarap......

at minamahal......







(((((((((ANINO)))))))