ako'y nagiisa, nagmamasid
sa mga alon humahampas
sa mga bato sa pampang.
sa mga bato sa pampang.
hinahagupit ng malakas
na hangin na may kasamang
tubig dagat.
pumapatak ang aking
mga luha sa aking pisngi
kasing sabay ng tubig dagat.
sumasabay sa akin
ang alon na
galit na galit sa bawat hampas.
nilalamon ang aking isip
ng karagatang tanglaw
ng karimlan.
hangang saan ba
ako maglalakbay para mahanap
ang aking pampang ng buhay.
No comments:
Post a Comment